- . Layunin: 1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan 2. Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa
- 3. “Uuuy pare!Long-time-no-see. Maligayang Kaarawan!” “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”
- 4. “Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st time voters?” “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media account tulad ng facebook at instagram.”
- 5. “Anu-anong element ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman? ”
- 6. “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point-to-Point system na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City – Glorietta, Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus stop.”
- 7. Gamit ng Wika sa Lipunan
- 8. INTERAKSYONAL
- 9. Interaksiyonal • ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso, pagbibiro, pang- iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro- kuro tungkol sa isang partikular na isyu.
- 10. •paggamit ng mga salitang pang-teen- ager, liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon, palitang ritwalistik, at dayalektong rehiyunal.
- 11. INSTRUMENTAL
- 12. Instrumental •tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. •Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
- 13. •magagamit ang wika sa pagpapangaral, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap , liham pangangalakal at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto.
- 14. •maisasagawa niya ang anuman at mahihingi ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.
- 15. REGULATORYO
- 16. Regulatoryo May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan.
- 17. • Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang- ayon at/o di-pagsang-ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto.
- 18. • Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
- 19. PERSONAL
- 20. Personal • pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal. • Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. • Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
- 21. • Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.
- 22. HEURISTIKO
- 23. Heuristiko •ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon.
- 24. • Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. • Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
- 25. • Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
- 26. IMPORMATIBO
- 27. Impormatibo Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.
- 28. Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa paraang pasulat at pasalita.
- 29. Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at pagsusulat ng pamanahunang papel o tesis.
- 30. IMAHINASYON
- 31. Imahinasyon Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika napapagana ang imahinasyon ng tao.
- 32. Nakasusulat ang tao ng: > tula > maikling kuwento > atbp.
- 33. Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.
- 34. PASULIT 1. Anim ang patay sa trahedya sa lansangan kahapon ng umaga sa may baryo San Agustin. 2. Magandang umaga Sarah! 3. Heneral Luna: “Kung magiging isang bansa man tayo kailangan natin ng isang radikal na pagbabago. Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano- ang ating mga sarili.” 4. Pabili po ng isang kilong asukal at harina. 5. “Diri na lang ko kutob, diri na lang ko taman, dili na ko mogukod sa tawong kusog modagan.”
- 35. Takdang Aralin: Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan sa newsfeed ng inyong Facebook account. Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon, paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng limang halimbawa (post ng inyong mga kaibigan) bilang suporta sa iyong sagot. Isulat sa inyong Quiz notebook.
Ang Pitong Gamit ng Wika Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan, Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura. Sa ganon, tayo, mga Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating wikang Filipino. Syempre, bawat bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin. Sa pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari may kommunikasyon sa isa’t isa na mga Pilipino sa kanilang mga emosyon. Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang mapapahayag ng isang tao. Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang bansa ay hindi lang basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon kundi ito’y magagamit rin sa ibang aspekto. Ang mga
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento