Mahalaga ang Wika
Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maipagwawalang saysay ang kahalagahan ng karunungan sa
pagsasalita at pagsulat ng wikang Ingles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon. Mismo angating pamahalaan ang nagsabi ng kahalagahan ng mahusay na paggamit ng Ingles upang tayo ay
maging “competitive” sa buong mundo.
Ginagawa natin ito sa pagitan ng patuloy na paggamit sa Inglesbilang pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga paaralan at bilang lenggwahe ng pakikipag-ugnay saating mga kababayan. Ang mahalagang katanungan sa ngayon ay kailangan pa bang ipagpatuloy natin ang hangarin sapaglinang ng Filipino bilang pambansang wika? Kung ating gugunitain, sinimulan ng Plipinas ang pagbuong Tagalog o, sa kalaunan, Filipino, bilang pambansang wika noong dekada 1930 sa panahon ngpamahalaang Commonwealh. Masakit isipin na hanggang ngayon ay hindi pa tayo nakapagsang-ayonkung ano talaga ang wikang Filipino.Samantala, ang ibang bansa na matagal pa bago magpataguyod ng paglinang ng pambansang wika aytalagang nagtagumpay sa kanilang hangarin. Sa kabuuan, ang kanilang mamamayan ay nagsasalita nang isang lenggwahe. Ito ang karanasan ng Indonesia at Malaysia. Ang Indonesia na siyangpinakamalaking arkipelago sa buong mundo at may humigit kumulang mga isang libong lenggwahe aymakapagsasabi na ngayon na meron silang wikang pambansa, ang Bahasa Indonesia. Ito rin angnangyari sa Malaysia. Nagtagumpay din sila sa pagbuo ng pambansang wika. Lahat na yatang mgabansa sa Asya ay meron nang ginagamit na pambansang lenggwahe, maliban sa atin. Ang wika ay nakatali sa ating kultura at kung sino tayo.
Kaya lang, ang tinatawag nating “culturalidentity” ay malabo na rin dahil sa malawakang impluwensya ng kanluraning kultura.
Kung ang lahinaman ang pag-uusapan, ang ating hitsura ay walang kaibahan sa mga tao sa Myanmar, Kampuchea,Malaysia, Indonesia, at Brunei. Kaya, ang lenggwahe lamang ang malinaw na batayan ng pagiging isangbansa natin.
Kahit na ang Ingles ang “lingua franca” ng buong mundo, kailangan pa rin n
atin angpambansang wika. Ang sariling wika lamang ang makapagpapahayag ng tunay na niloloob at mgaemosyon natin. Halimbawa, iba ang magiging resulta kung ang isang nakatatawang istorya sa orihinal nawikang sarili ay isasalin at bibigkasin sa Ingles. Dagdag pa, ang pambansang wika ay makatutulong sa
paglinang ng pagkakaisa at ang tinatawag na “sense of belongingness”.
Ang nga Intsik at Hapon aynagpapakita ng kanilang pagkakaisa at pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ngkanilang wika. At sila ang mas maunlad na mga bansa kahit na hindi sila marunong ng Ingles.Tinatanggap natin na dahil sa karunungan natin ng Ingles, libo-libong kababayan natin ang nakahahanapng trabaho sa labas ng bansa. Kaya lang, karamihan sa mga gawain ng mga Pilipino doon ay iyongpaninilbihan sa mga dayuhan.
Ito ang kalagayan ng ating mga “domestic helpers”, “caregivers”, “entertainers”, at mga nars.
Ito ba ang ideya natin sa “competitiveness”?
Sa aking pananaw, ang tunay
na pagiging “competitive” ay kung t
ayo ay magiging negosyante, kapitalista, mangangalakal, teknisyan,may-ari ng paaralan at tindahan, at tagapagbenta ng ating mga produkto sa ibang bansa. Ang ating pambansang bayani, si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sapamamagitan ng pagmamahal sa wikang Filipino.
Sinabi pa niya na “ang hindi marunong magmahal sasariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda!”
Hindi maituturing na makabayan ang isang taokung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagliming mabuti ng mgakababayan natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika, pambansa man o rehiyunal. Nakakalungkotisipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang higit na humahanga sa mgakababayan nating napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa, kapag hindi marunong mag-Ingles angisang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na mahusay mag-Ingles.
Lahat ng mga Pilipino ay may tungkulin sa pagmamahal sa sinilangang bayan at, natural, sa sarilingwika. Sa wika na lamang siguro natin maaaring makita ang pagkakaiba natin sa ibang mga tao samundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng ating mukhaat kahit na ang hugis ng ating katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng ating damdamingmakabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga
Jackpotcity Casino - Hotel, Spa & Casino | JMHub
TumugonBurahinJackpotcity Casino. 1 보령 출장마사지 Queen Majesty 전주 출장안마 Dr. Atlantic 논산 출장샵 City, NJ 08401. This 서울특별 출장마사지 casino resort is a perfect venue to visit when you are looking for a 김해 출장마사지 place to